Wednesday, February 21, 2007

Tuesday, February 13, 2007

ANAY NG LIPUNAN


Volume 1 Series 3 Newsletter Date February 13, 2007

BAYAN MUNA INILILIHIM ANG KATOTOHANAN



".....Ito ang pinakamainam na panahon para linisin ang Bushfire sa mga pinaghihinalaang mga ahente ng kaaway. Nilulunsad ng rehimeng Arroyo ang makahayop na operasyon para supilin ang mga mamamayan, ang mga partidong oposisyon, ang mga demokratikong organisasyong masa, ang midya at iba pa. Sa pagsabay ng ating ispesyal na operasyon dito, titingnan ng masa at mga alyado na ang mga berdugo ng kaaway ang may kagagawan sa pagpaslang at pananakot sa hanay ng mga ligal na organisasyon." Bahagi ng nakumpiskang dokumento ng CPP/NPA/NDF na pinamagatang "Paglilinis ng Bushfire sa mg Nakapasok na mga Ahente ng Kaaway."

Mas Grave sa Leyte-Oplan Ahos noon, Political Killings-Operation "Bushfire" ngayon - ito ang katotohanan kung bakit ang grupong kaliwa tulad ng BAYAN MUNA, ANAK PAWIS, GABRIELA, KARAPATAN, KMP, at PAMALAKAYA ay hindi nakikipagtulungan sa Melo Commission na binuo sa pagtugon ng panawagan ng mga International Human Rights Groups at pag snub sa "Dialogue" ng Task Force Usig para magawan ng solusyon ang patayang nagaganap at maparusahan ang mga salarin.

Gagawin ng mga makakaliwang grupo ang lahat ng kaparaanan upang maitago sa bawat Pilipino ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng mga patayan. Nililinlang nila ang bawat kaisipan ng mamamayan sa pamamagitan ng rally at demonstrasyon at pinaparatangan ang gobyerno na siyang utak ng patayan upng patuloy nilang mailunsad ang Operation "Bushfire". Layuan ang mga Komunistang Grupo.
MGA ANAY NG LIPUNAN

Ang mga Party Lists ng BAYAN MUNA, ANAK PAWIS, GABRIELA, na pinamumunuan nina Satur Ocampo, Teddy Casino, Joel Virador, Rafael mariano, Crispin Beltran at ang legal front Organization na KARAPATAN ang mga tunay at pangunahing supporter ng mga NPA. Sila ang tunay na dahilan kung bakit lalong lumalakas at patuloy na naghahasik at nagdudulot ng karahasan at kaguluhan sa mga taong bayan. Sila rin ang dahilang kung bakit bumabagsak ang ating ekonomiya na siyang nagdudulot ng kahirapan sa taong bayan. Sana mamulat ang ating kaisipan, Magkaisa tayong sugpuin ang mga salot ng ating Lipunan. Tutulan ang karahasan. Isulong ang kapayapaan tungo sa ganap na kaunlaran.

Sunday, February 11, 2007

KABATAAN

Volume 1, Issue 1 Newsletter Date February 1, 2007

GAMITIN ANG KABATAAN PARA
ISULONG ANG TERORISMO

Netherlands- “Ang kabataan at estudyante ang pinakamarami sa populasyon ng Pilipinas at karamihan ay nabibilang sa uring mangagagawa at magsasaka. Ang pag-organisa at pagmomobilisa sa kanila ay ang pagsisiguro sa tuloy-tuloy na daloy ng mga tagapagmana at taga-pagpatuloy sa Rebolusyong Bayan para ipabagsak ang lehitimong gobyerno sa marahas at kung kailangan sa teroristang pamamaraan”.
Ito ang sinabi ni Joma Sison, lider ng teroristang Communist Party of the Philippines at New Peoples Army, sa kanyang mga kasamang komunista ilang taon na ang nakaraan sa airkondisyon at kumportableng lungga niya sa Europa habang sumusubo ng ubas at sumisipsip ng red wine.

Sinimulan ni JOMA SISON ang paglinlang at paggamit ng mga kabataan sa pamamagitan ng legal fronts nila na League of Filipino Students (LFS) at ANAKBAYAN nung dekadang ’70 kung saan daan-daan ang nilinlang niya para sumama sa walang Diyos na komunistang rebolusyon.

Ang di sinasabi ni JOMA SISON at ng mga kasamang teroristang komunista sa mga nalinlang na mga kabataan ay pagpasok mo sa kilusang teroristang komunista ay wala kang karapatan indibidwal. Ginamit at gagamitin nila ang mga kabataan na parang alila para sa teroristang operasyon, para kumolekta ng rebolusyonaryong buwis kotong, manlinlang ng mga kapwa kabataan, at pagkatapos gamitin ikaw ay papatayin.

Isa sa mga nalinlang ni JOMA SISON at ng mga kasamang teroristang komunista ay si KATHLYNE “KAT-KAT” RAMOS isang mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na sumali sa komunistang LFS at ANAKBAYAN. Pinangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang pamilya. Sa edad na 17 anyos, nilason ni JOMA SISON at teroristang CPP/NPA/NDF ang kanyang murang kaisipan na sumanib sa kilusang teroristang komunista bilang tugon sa kahirapan. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, ang pagsanib sa kilusang teroristang komunista ay hudyat sa paglaho ng kanyang mga pangarap. Oktubre 13, 2002 dinukot ng mga kasapi ng teroristang CPP/NPA/NDF si KAT-KAT, sapilitan itong dinala sa kabundukan at mula noon ay naglahong parang bula. Apat na taon ang nakalipas, natunton ang kinaroroonan ni KAT-KAT sa tulong ng isang dating kasapi ng teroristang CPP/NPA/NDF na may impormasyon sa pangyayari. Tulad sa patakaran ng teroristang CPP/NPA/NDF alinsunod sa utos ni JOMA SISON, si KAT-KAT ay isa ng kalansay nang matagpuan ng mga magulang niya sa kabundukan ng Barangay Kaliwanagan, San Jose City noong Oktubre 7, 2006. Siya ay pinatay ng mga teroristang CPP/NPA/NDF dahil lamang sa hinalang ahente siya ng gobyerno.

Ang pagpaslang sa mga kasapi nila at sa mga inosenteng sibiliyan ay di na bago sa mga walang Diyos na teroristang komunistang CPP/NPA/NDF. Nangyari ito nung dekadang ‘80 at ‘90 sa Mindanano, Visayas at Luzon kung saan libo-libong mga kasapi nila ay walang awang pinahirapan bago pinatay at iniwan na lang sa mga bundok.

Kabilang dito ay mga kabataan na nilinlang at inagaw sa kanilang mga pamilya. Hanggang ngayon karamihan sa mga ito ay hindi pa natatagpuan.

Kami po ay nanawagan sa mga magulang, nakakatandang kapatid, at sa mga guro ng kabataan na kausapin natin ang mga anak, mga batang kamag-anak at sa mga estudyante natin na HUWAG MAGPALINLANG SA MGA TEROSISTANG KOMUNISTA!

Kay JOMA SISON at sa mga teroristang komunistang CPP/NPA/NDF, parang awa niyo naman pabayaan niyong mag-aral, mangarap at mabuhay ng mapayapa ang mga kabataan– kayo rin ay mayroon na o magkakaroon din ng anak. - MAK